Nasaan na ang saya’t ligaya?

Saturday, March 18, 2017



Nasaan na ang saya’t ligaya?

Sa bawat pagsapit ng bukas, kalungkuta’y pumapagaspas
Hindi mawari kung ano ang dapat at hindi dapat
Ngiti at tawa ay unti-uting kumukupas
Sapagkat araw-araw pina paramdam na ako’y hindi karapatdapat

Sakit at pighati ang kalaban sa bawat oras
Tuluyan nang nawala ang kaligayahang nooy aking nasasalap
Nasaan na nga ba ang ligayang noo’y pinapamalas
Kung ang puso at pag-iisip ay napuno na ng  hirap

Ako’y naliligaw na parang damo
Walang siglang maramdaman sa kalinga nyo
Lungkot at luha ang bumabalot sa aking pagkatao
Na parang kumukupas na bituing unti-unting nag lalaho.

Post a Comment

Instagram

© The Silent Dreamer. Design by FCD.